Sipat-Suri sa mga Katutubong Sulat: Salalayan sa Pagbuo ng Mungkahing Manwal sa Baybaying Filipino

October 15, 2020

Rusell Irene L. Lagunsad
PhD Student University of the Philippines-Diliman

SUSING SALITA:
Baybaying Filipino, Katutubong-sulat, Mungkahing Manwal

ABSTRAKTO
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matugunan ang pagsusuri sa Baybayin batay sa wikang pasulat (simbolong talatunugan, diakritikong marka at pamilang), kasaysayan at kalinangan at kung ano ang magiging anyo ng bawat titik ng mungkahing Baybaying Filipino mula sa mga batayang pinagpilian at dahil sa mga batas na isinusulong upang muling maipakilala ang Baybayin sa kasalukuyan, ninais ng mananaliksik na magmungkahi ng manwal na magagamit ng mga guro sa pagtuturo ng katutubong- sulat gayundin ang mga inobasyon upang makaagapay ito sa kasalukuyang pangangailangan ng panahon kaya tinawag na Baybaying Filipino.
Gumamit ng magkahalong pamamaraan ang mananaliksik; ito ang isahang panayam at tutok na grupong talakayan upang mahingi ang kritika ng mga dalubhasa sa Baybayin patungkol sa awtput ng pag- aaral. Ito ay isang kuwalitatibong pag-aaral na gagamit ng Modelong Pangkasaysayan dahil inilarawan ang kalagayan ng Baybayin sa bawat panahon mula sa pag- usbong, pagkawala at sa muling pagbubuhay nito tungo sa panghinaharap na gamit at halaga sa kultura.

Natuklasan na ang mga katutubong sulat na umiiral sa Pilipinas bago pa dumating ang mga Kastila ay magkakahawig. Ang kasaysayan ng Baybayin ay nahahati sa tatlong yugto: Ang panahon ng liwanag, panahon ng karimlan at ang panahon ng bagong liwanag. Ang naging batayan sa pagpili ng magiging porma o istilo ng mga titik-Baybaying Filipino ay may taglay na kalinawan, karaniwan, kilala, kagandahan, kilanlan, kinatawan, kagaanan at kaangkupan sa teknolohiya. Bilang kongklusyon, Tuluyan man itong napalitan ng Romanong alpabeto, hindi pa rin huli ang lahat upang ito‘y muling pagyamanin sa kasalukuyan at mas madali itong matutuhan ngayon ng kahit sinuman kung simple at payak pa rin ang susundin na alituntunin sa Baybayin at ang mga inobasyon ay hindi magdudulot ng kalituhan.

Photo credit: https://sundaescoops.wordpress.com/2015/08/23/sundae-scroll-5-baybayin/

Enderun Colleges Scholarly Review, Volume 3, Issue 2.

DOWNLOAD PDF FOR FULL TEXT
Download PDF

Download PDF

Sipat-Suri sa mga Katutubong Sulat: Salalayan sa Pagbuo ng Mungkahing Manwal sa Baybaying Filipino